I S.P.E.A.K.

hmmm. isang linggo na ang nakakaraan mula ng maganap ang makasaysayang MEA-wide Christmas Institute sa buhay naming mga kabataang Metodista.
Isang life changing event. Ilang years na kong umaatend ng CI at talaga namang kakaiba ang experience sa MEA-wide. siyempre, dalawang libo't apat na raan ba naman ang mga participants. talagang kakaiba dahil ang karaniwang bilang namin sa aming CI ay nasa 150. nakaka-bless na makasama ang mga kabataan na galing sa iba't ibang probinsya maging sa maynila na rin. Doon ko natunghayan kung pano hinipo ng Panginoon ang buhay ng bawat kabataan na lumahok doon. 
pero ano nga bang nagawa nito para sa'kin? ano nga bang naging epekto nito sa buhay ko? meron ba?

taas noo at ipinagmamalaki kong sabihin na MERON! ipinagsisigawan kong MERON malaking bahagi ang MEA-wide CI sa buhay ko. :))

gusto kong isa-isahin ang acronym na S.P.E.A.K. eto yung super bigatin na theme ng MEA-wide CI. S for SEEK, P for PRAY, E for EMPOWER, A for ACT and K for KEEP.

para sakin, isang revival ang CI na 'to. revival sa pagkilala ko kay Kristo bilang aking Lord and Savior. narealize ko na minsan nanaman akong nanghina pero ngayon, hinding hindi na ko manghihina dahil alam kong kasama ko si Kristo. at yon ay ang SEEK. to seek God's presence in my life and to declare His power in my life. :))

Pray! Prayer life! part ako ng production theme sa ginanap na musical play titled "Sino si Pray?". it's about prayer life ng kabataan. maraming kabataan ang naka-relate sa buhay ng cast at isa na ko dun. siyempre, kabataan, nag-eenjoy yan sa buhay. lovelife, technology, barkada and studies kung geeky. haha. napaisip ako. ako kaya, kamusta na rin ba ang prayer life ko? mula pagkabata tinuruan na ko ng mga magulang ko na prayer ang communication natin sa Panginoon. nagpe-pray kaya ako. bago kumain at matulog. yun na nga eh. yung tunay na essence ng prayer parang nawala na. hindi parang, nawala talaga. so dahil na-move ako sa play na ito at gusto kong mas maging close kay Lord, sisikapin kong magkaroon ng matinong prayer time everyday with the Lord. :)) gagawin ko 'to. :)) by God's grace, kaya ko at walang makakahadlaang sa'kin. oyeah! PRAY!

E for empower! as a leader, I want to empower the youth. pero pano? yun ang challenge sa'kin. challenge na ibinigay sa'kin ng Panginoon. gusto kong huwag mamatay yung alab ng mga kabataan ng kumperensiya namin nung CI. na sana, patuloy ko silang ma-empower at makita rin nila kung anung ipinakita sa'kin ng Panginoon. gusto kong i-share at ipadama sa kanila yung love ng Panginoon sakin. :)) Help me Lord. :)) at ngayong taon na ito, yan ang gagawin ko. :))

Act. Act for what nga ba? sa banner ng AC namin, Act the Truth ang nakalagay. :)) ano nga ba yung Truth? para sa'kin, iyon yung mensahe ng Panginoon. i-act kung ano ang sinasabi sa Kanyang Salita. i-act kung ano yung dapat. at iyon ay ang mamuhay ng ayon sa Will niya. maraming opportunities ang dumarating sa buhay ko at alam kong Will iyon ng Panginoon. kaya kung anu man ang dumating, problema man o masasayang bagay, lahat yon blessing. :)) i-act yung Salita nya rito sa mundong ibabaw. Hindi lang sa loob ng church pero maging sa labas rin. gusto kong i-share yung Salita niya sa ibang kabataan na hindi pa nakakakilala sa kanya. :))

and lastly, KEEP. ano nga ba ang iki-keep? gusto ko i-quote yung sinabi ng isang co-UMYFer ko. sabi nya, 

"walang magpapatay at magpapapatay ng apoy... wag iwan sa CI ang mga natutuhan... S.P.E.A.K. people."
naalala ko yung kandila na sinindihan namin nung last big night na nagsysymbolize ng UNITY. para sa'kin, yung apoy na yun ang dapat kong i-keep. hindi literally ha. yung apoy na yon ay ang nagsysymbolize ng alab ng panglilingkod ko sa Panginoon. kaya kahit matapos na ang term ko as officer, hinding hindi ako magpapatay ng apoy. kahit pa grumaduate na ko sa pagiging UMYF, hinding hindi ko papatayin at hindi ako papayag na may pumatay sa APOY na yon. yung APOY na yon na connection ko sa Panginoon. :)) habang buhay kong iki-KEEP yung alab ng pagbabago na nangyari sa buhay ko. THANK YOU LORD!

sa pagsisimula ng taong ito, isa lang ang nais kong gawin at iyon ay ang SPEAK! 

I S.P.E.A.K.!

ang lingkod ng Panginoon, 
Mariel =)



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment