goodbye 2010! hello 2011!

grabe.. ang saya ng year 2010 ko.pero pwede ko ng 'tong iwan at harapin na ang darating na taon. 30 minutes na lang 2011 na. :)) panibagong taon na mapupuno muli ng mga ngiti, iyakan, triumphs at kung anu-anu pa. :)) 

sa family ko na walang sawang sumusuporta sa lahat ng lakarin ko sa buhay. :)) suportado nila ko lagi kahit puro asaran. haha. :)) pero masaya kami. at kuntet ako sa kung anung meron kami. masaya ako na sa pamilyang ito ako nilagay ng Panginoon.

sa mga kaklase ko. salamat at nakilala kayo. mapa-HS classmate or blockmates. masaya ko't nakilala ko kayong lahat. salamat rin sa pagpapasaya sa akin at salamat sa pagtawa sa tuwing bumabanat ako ng mga kakornihan ko. sana'y nainspire ko kayo. EINSTIEN at 1F-G2. ahlebyuu!

at sa bestfriends ko na patuloy na nagbibigay saya sa buhay ko. thank you. :)

kay ELLA 
ang dalagang child at heart and at looks. mukha kasi talagang bata pero mas matanda pa siya sakin. ako na kasi gurang look. haha. nakilala ko nung children's camp pero naging bestfriend ko nung 2010. ang saya neto kasama as in. mabait at masayahin. mahal na mahal ko 'to.

kay GIANNE 
ang nagpapangiti sakin palagi. walang araw na kasama ko siya na hindi ako ngingiti. as in. matutuwa ka talaga sa kanya. si negrang lakwachera to. haha. dora! joke. nakaka-inspire ang babaeng to. mabait, maganda? oo. maganda siya. black beauty. haha. XD nakilala ko pala siya sa CI noong december 2k8. nagkangitian kami at parang matagal na kami magkakilala. yung feeling na may connection sa inyong dalawa. ayon. ganon yon. basta. napakaganda ng babaeng 'to. inside and out. di man makita ng iba yun pero ako ktang-kita ng mga mata ko. :))
commercial muna. ang ingay na sa labas. putukan na!

Mj (si 1st love turned to be bestfriend)
ayan. etong payatot na 'to, nakilala ko sa CI 2k7. pero naging friends talaga kami new year 2k8. and wala, naalala ko non parang close kami kagad. parang ewan lang. ayon, naging bestfriend ko siya ngayong 2010. siguro dahil narin sa lahat ng napagsamahan namin. 3 years na kaming friends ngayong 2011. ako lang nakakaalam non. haha. marahil ay di siya aware don. baka wala siyang pake. ok. bitter. haha. ayon. basta, mahalaga sakin 'tong taong to.

kay Yjane
HS bestfriend pero syempre hanggang ngayon bff paren. tagal na namin di ngakikita. as in. naging bestfriends kami noong 2k8 din. dahil kay crush yon. haha. pero ngayon, wala na yong dahilan na yon. siguro dahil niloob ng Panginoon na maging close kami at thankful ako doon. mahal ko tong dalagang ito. haha. as in sobra. namimis ko na lahat ng happy moments namin. sana ngayong 2011 mas marami kaming bonding moments.

at sa lahat ng naging bahagi ng 2010 ko, MARAMING SALAMAT PO at isang MASAGANANG BAGONG TAON!

salamat DAKILANG DIYOS! 

I SPEAK!

His servant,

MARIEL RODRIGUEZ a.k.a graphicookie

BOSS BOSSABOS

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment