I S.P.E.A.K.

hmmm. isang linggo na ang nakakaraan mula ng maganap ang makasaysayang MEA-wide Christmas Institute sa buhay naming mga kabataang Metodista.
Isang life changing event. Ilang years na kong umaatend ng CI at talaga namang kakaiba ang experience sa MEA-wide. siyempre, dalawang libo't apat na raan ba naman ang mga participants. talagang kakaiba dahil ang karaniwang bilang namin sa aming CI ay nasa 150. nakaka-bless na makasama ang mga kabataan na galing sa iba't ibang probinsya maging sa maynila na rin. Doon ko natunghayan kung pano hinipo ng Panginoon ang buhay ng bawat kabataan na lumahok doon. 
pero ano nga bang nagawa nito para sa'kin? ano nga bang naging epekto nito sa buhay ko? meron ba?

taas noo at ipinagmamalaki kong sabihin na MERON! ipinagsisigawan kong MERON malaking bahagi ang MEA-wide CI sa buhay ko. :))

gusto kong isa-isahin ang acronym na S.P.E.A.K. eto yung super bigatin na theme ng MEA-wide CI. S for SEEK, P for PRAY, E for EMPOWER, A for ACT and K for KEEP.

para sakin, isang revival ang CI na 'to. revival sa pagkilala ko kay Kristo bilang aking Lord and Savior. narealize ko na minsan nanaman akong nanghina pero ngayon, hinding hindi na ko manghihina dahil alam kong kasama ko si Kristo. at yon ay ang SEEK. to seek God's presence in my life and to declare His power in my life. :))

Pray! Prayer life! part ako ng production theme sa ginanap na musical play titled "Sino si Pray?". it's about prayer life ng kabataan. maraming kabataan ang naka-relate sa buhay ng cast at isa na ko dun. siyempre, kabataan, nag-eenjoy yan sa buhay. lovelife, technology, barkada and studies kung geeky. haha. napaisip ako. ako kaya, kamusta na rin ba ang prayer life ko? mula pagkabata tinuruan na ko ng mga magulang ko na prayer ang communication natin sa Panginoon. nagpe-pray kaya ako. bago kumain at matulog. yun na nga eh. yung tunay na essence ng prayer parang nawala na. hindi parang, nawala talaga. so dahil na-move ako sa play na ito at gusto kong mas maging close kay Lord, sisikapin kong magkaroon ng matinong prayer time everyday with the Lord. :)) gagawin ko 'to. :)) by God's grace, kaya ko at walang makakahadlaang sa'kin. oyeah! PRAY!

E for empower! as a leader, I want to empower the youth. pero pano? yun ang challenge sa'kin. challenge na ibinigay sa'kin ng Panginoon. gusto kong huwag mamatay yung alab ng mga kabataan ng kumperensiya namin nung CI. na sana, patuloy ko silang ma-empower at makita rin nila kung anung ipinakita sa'kin ng Panginoon. gusto kong i-share at ipadama sa kanila yung love ng Panginoon sakin. :)) Help me Lord. :)) at ngayong taon na ito, yan ang gagawin ko. :))

Act. Act for what nga ba? sa banner ng AC namin, Act the Truth ang nakalagay. :)) ano nga ba yung Truth? para sa'kin, iyon yung mensahe ng Panginoon. i-act kung ano ang sinasabi sa Kanyang Salita. i-act kung ano yung dapat. at iyon ay ang mamuhay ng ayon sa Will niya. maraming opportunities ang dumarating sa buhay ko at alam kong Will iyon ng Panginoon. kaya kung anu man ang dumating, problema man o masasayang bagay, lahat yon blessing. :)) i-act yung Salita nya rito sa mundong ibabaw. Hindi lang sa loob ng church pero maging sa labas rin. gusto kong i-share yung Salita niya sa ibang kabataan na hindi pa nakakakilala sa kanya. :))

and lastly, KEEP. ano nga ba ang iki-keep? gusto ko i-quote yung sinabi ng isang co-UMYFer ko. sabi nya, 

"walang magpapatay at magpapapatay ng apoy... wag iwan sa CI ang mga natutuhan... S.P.E.A.K. people."
naalala ko yung kandila na sinindihan namin nung last big night na nagsysymbolize ng UNITY. para sa'kin, yung apoy na yun ang dapat kong i-keep. hindi literally ha. yung apoy na yon ay ang nagsysymbolize ng alab ng panglilingkod ko sa Panginoon. kaya kahit matapos na ang term ko as officer, hinding hindi ako magpapatay ng apoy. kahit pa grumaduate na ko sa pagiging UMYF, hinding hindi ko papatayin at hindi ako papayag na may pumatay sa APOY na yon. yung APOY na yon na connection ko sa Panginoon. :)) habang buhay kong iki-KEEP yung alab ng pagbabago na nangyari sa buhay ko. THANK YOU LORD!

sa pagsisimula ng taong ito, isa lang ang nais kong gawin at iyon ay ang SPEAK! 

I S.P.E.A.K.!

ang lingkod ng Panginoon, 
Mariel =)



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

may liwanag ang buhay. :))


natuwa ako sa picture. salamat sa kumuha nito nung camping. :))
well. I was so busy that time. :)) I never imagined that I'll be able to smile kahit ang dami kong inaasikaso.
ang haba haba ng nilalakad ko lagi. kahit shortcut na yung daan, nakakapagod parin. haha.

ok. hindi na related sa pic. ayun. :)) nilagyan ko ng twibbon yung pic kasi nga natuwa ako at para ala-ala na rin. yeeeeah! :))

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

if it's love

che. ang korni ng title. wala kong maisip eh. LSS lang ako sa kanta kaya yon na lang title.

1.1.11 na. :)) bagong taon na naman and I'm looking forward to blessing muli ngayong taon. ayoko ng balikan ang dati.. kahit maganda. para diba, hindi ko macompare?

haha. wala. nalungkot lang ako medyo ngayon. kasi yung isa kong bestfriend parang ewan. basta. hanggang ngayon hindi ko parin siya nakakausap ng matino. parang ayaw nama kasi nya makipag-usap. di naman ako nangangain. ewan ba don. mukang engot lang.

basta. kontento ko sa mga tao sa buhay ko ngayon. may mang-iwan lang lagot sakin. grrrr!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

goodbye 2010! hello 2011!

grabe.. ang saya ng year 2010 ko.pero pwede ko ng 'tong iwan at harapin na ang darating na taon. 30 minutes na lang 2011 na. :)) panibagong taon na mapupuno muli ng mga ngiti, iyakan, triumphs at kung anu-anu pa. :)) 

sa family ko na walang sawang sumusuporta sa lahat ng lakarin ko sa buhay. :)) suportado nila ko lagi kahit puro asaran. haha. :)) pero masaya kami. at kuntet ako sa kung anung meron kami. masaya ako na sa pamilyang ito ako nilagay ng Panginoon.

sa mga kaklase ko. salamat at nakilala kayo. mapa-HS classmate or blockmates. masaya ko't nakilala ko kayong lahat. salamat rin sa pagpapasaya sa akin at salamat sa pagtawa sa tuwing bumabanat ako ng mga kakornihan ko. sana'y nainspire ko kayo. EINSTIEN at 1F-G2. ahlebyuu!

at sa bestfriends ko na patuloy na nagbibigay saya sa buhay ko. thank you. :)

kay ELLA 
ang dalagang child at heart and at looks. mukha kasi talagang bata pero mas matanda pa siya sakin. ako na kasi gurang look. haha. nakilala ko nung children's camp pero naging bestfriend ko nung 2010. ang saya neto kasama as in. mabait at masayahin. mahal na mahal ko 'to.

kay GIANNE 
ang nagpapangiti sakin palagi. walang araw na kasama ko siya na hindi ako ngingiti. as in. matutuwa ka talaga sa kanya. si negrang lakwachera to. haha. dora! joke. nakaka-inspire ang babaeng to. mabait, maganda? oo. maganda siya. black beauty. haha. XD nakilala ko pala siya sa CI noong december 2k8. nagkangitian kami at parang matagal na kami magkakilala. yung feeling na may connection sa inyong dalawa. ayon. ganon yon. basta. napakaganda ng babaeng 'to. inside and out. di man makita ng iba yun pero ako ktang-kita ng mga mata ko. :))
commercial muna. ang ingay na sa labas. putukan na!

Mj (si 1st love turned to be bestfriend)
ayan. etong payatot na 'to, nakilala ko sa CI 2k7. pero naging friends talaga kami new year 2k8. and wala, naalala ko non parang close kami kagad. parang ewan lang. ayon, naging bestfriend ko siya ngayong 2010. siguro dahil narin sa lahat ng napagsamahan namin. 3 years na kaming friends ngayong 2011. ako lang nakakaalam non. haha. marahil ay di siya aware don. baka wala siyang pake. ok. bitter. haha. ayon. basta, mahalaga sakin 'tong taong to.

kay Yjane
HS bestfriend pero syempre hanggang ngayon bff paren. tagal na namin di ngakikita. as in. naging bestfriends kami noong 2k8 din. dahil kay crush yon. haha. pero ngayon, wala na yong dahilan na yon. siguro dahil niloob ng Panginoon na maging close kami at thankful ako doon. mahal ko tong dalagang ito. haha. as in sobra. namimis ko na lahat ng happy moments namin. sana ngayong 2011 mas marami kaming bonding moments.

at sa lahat ng naging bahagi ng 2010 ko, MARAMING SALAMAT PO at isang MASAGANANG BAGONG TAON!

salamat DAKILANG DIYOS! 

I SPEAK!

His servant,

MARIEL RODRIGUEZ a.k.a graphicookie

BOSS BOSSABOS

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS